Ni Nora Calderon
KAHAPON umuwi mula sa Paris, France si Alden Richards. Nag-time out muna siya from his schedules. Dapat ay dumating siya ng September 4, pero nag-extend siya ng two days at sinamantala ang pamamasyal sa tourist spots sa Paris, pagkatapos niyang dumalo sa wedding nina Dr. Hayden Kho at Dr. Vicki Belo sa The American Church.
Hindi nakaligtas si Alden sa napakaraming fans na dumayo sa lugar. Maganda ang comments sa Instagram posted by fans na sa napakaraming artistang dumating sa wedding ay si Alden lamang daw ang kumaway at lumapit pa sa ibang fans para makipagkamay sa kanila. Ayon sa AlDubs ay napakarami nilang pumunta roon para lamang makita nang personal si Alden na hindi naman sila binigo.
Ipinost ni Alden sa Instagram ang mga binisita niyang lugar tulad ng Rue dela Bastille, Arche de Triumpe, Tour Eiffel, iba pang lugar, at hindi niya kinalimutang magsimba sa Cathedral Notre Dame de Paris. Nakaugalian na niya ito kahit saang bansa siya pumunta, basta may chance siyang makasimba o makabisita sa simbahan.
Nagkapagpahinga rin siya. Matatandaan na bago siya umalis papuntang Paris ay may sakit siya pero sumige pa rin sa September 1 concert nila ni Sarah Geronimo sa Mall of Asia Arena para sa ini-endorse nilang Cebuana Lhuillier.
Pagkatapos ng concert, diretso na siya ng NAIA para sa kanyang 1:00 AM flight to Paris. On his way, nag-tweet ng pasasalamat si Alden sa mga nagdasal at nag-wish ng paggaling niya at sinabing feeling better na siya.
Bago umalis, na-interview siya para sa 24 Oras at sinabi niyang time out muna siya dahil pagbalik niya, balik ulit sila ni Maine Mendoza sa training para sa gagawin nilang movie na may konting action.
Ipinaalaala rin niya ang documentary tungkol sa martial law na ipalalabas sa September 17 sa SNBO ng GMA 7.
Pagkagaling sa konting bakasyon, balik-training na si Alden after Eat Bulaga at bukas, last taping day niya ng Alaala documentary na dinidirihe ni Adolf Alix, Jr. kasama sina Ms. Gina Alajar, Rocco Nacino at Bianca Umali.v