NI: Francis T. Wakefield

Sampung miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang napaulat na napatay sa serye ng airstrike ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Joint Task Force Central sa Maguindanao nitong weekend.

Ayon sa mga report, umayuda ang 57th Infantry Battalion ng Philippine Army sa mga mandirigma ng Bangsamoro Islamic Armed Forces-Moro Islamic Liberation Front (BIAF-MILF), na nakikipagbakbakan sa paksiyon ng grupong sumusuporta sa Islamic State sa Barangay Tee, Datu Salibo, dakong 10:28 ng umaga nitong Linggo.

Napaulat na sampung miyembro ng BIFF ang napatay sa military airstrike, bukod pa sa hindi tukoy na dami ng nasugatan sa panig pa rin ng mga rebelde.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Samantala, dalawa namang tauhan ng BIAF-MILF ang nasawi sa bakbakan, at kinilalang sina Butukan Bungayen, alyas “Mantukan Bungayen”; at Jojo Sampayan.

Dakong 2:20 ng hapon na nagtapos ang airstrike.