Ni: Mary Ann Santiago

Aabot sa 30 pamilya ang nawalan ng masisilungan sa pagsiklab ng apoy sa 15 bahay at dalawang gusali sa San Andres Bukid, sa Maynila kahapon.

Ayon kay Manila Fire Marshall Supt. Antonio Razal, Jr., nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag ng bahay ni Selpa Garcia na matatagpuan sa 1858 Estrada Street, San Andres Bukid, bandang 8:07 ng umaga.

Mabilis na kumalat ang apoy, umabot sa ikatlong alarma, sa mga katabing bahay na pawang gawa sa light materials.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Pagsapit ng 9:14 ng umaga, tuluyang naapula ang apoy.

Wala iniulat na nasugatan o nasawi sa sunog habang tinatayang aabot sa P100,000 ang kabuuang halaga ng natupok na ari-arian.

Patuloy na inaalam ang sanhi ng insidente.