Ni: Samuel P. Medenilla

Makalipas ang dalawang taon, muling makatatanggap ng umento ang mga manggagawa sa Mimaropa (Region 4B).

Inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board 4-B (RTWPB-4B) ang Wage Order No. 8 na nagdadagdag ng P15 sa minimum wage rate para sa mga kumpanya sa rehiyon na mayroong mahigit sa 10 manggagawa.

Kapag naging epektibo na ang wage order, tatanggap ang nasabing mga empleyado ng karagdagang P5. Ang ikalawang bahagi ay magiging epektibo naman sa Pebrero 1, 2018, at tatanggap ng karagdagang P10 ang mga manggagawa.

Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City

Samantala, ang mga kumpanyang wala pang 10 ang kawani ay tatanggap ng P47 umento.

Ibibigay ito sa sumusunod na tranches: P12 kapag naging epektibo na ang wage order; P12 sa Pebrero 1, 2018; P12 sa Agosto 1, 2018; at P11 sa Pebrero 1, 2019.

Kapag naging epektibo na ang wage order, magiging P300 na ang bagong minimum wage rate sa mga kumpanyang mahigit 10 ang empleyado sa Mimaropa, at P282 naman sa mga wala pang 10 ang kawani.