Ni REGGEE BONOAN

IKINUKUMPARA si Maymay Entrata kay Melai Cantiveros-Francisco na pareho rin niyang nanalo sa Pinoy Big Brother.

Taong 2009, PBB Double Up big winner si Melai at big winner naman si Maymay sa PBB Lucky 7 ngayong taon.

Hiningan si Maymay ng reaksiyon tungkol sa pagkukumpara sa kanila ni Melai nang humarap siya sa reporters sa press launch ng Loving in Tandem movie na pinagtatambalan nila ni Edward Barber kasama ang housemates nilang sina Kisses Delavin at Marco Gallo.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

EDWARD AT MAYMAY copy

“Okay lang po, kasi si Ma’am Melai naman po saka kapag nagkikita po kami kasi pareho kaming Bisaya po at sinasabi niya sa akin na masaya siya na may kausap siyang Bisaya na kagaya niya luka-luka,” nakangiting sagot ng baguhang aktres.

Diretsong tanong kay Maymay, dyowa material ba ang ka-love team niya?

“Opo, sa nakikita ko, dyowa material naman po si Edward. Kasi nakikita ko na sobrang caring niya, sa kanya ko lang nakita ‘yung mga hindi ko pa nakikita before sa ibang lalaki,” sagot ng dalaga.

“For me, same answer,” sabi ni Edward nang hingan ng reaksiyon. “Yes, she is very much so and what really makes her stand out is first, she knows me better than anyone else, I mean that. I can say that my best friend from Germany, Luke, she knows me more than Luke knows me. And she knows me when I’m sad and happy and there’s no other person in the world knows me that well and she’s one of the genuine caring people I’ve ever met,” seryosong sagot ng binatang Aleman.

Dahil slang pang mag-English si Edward at aminado naman si Maymay na hindi siya fluent, sa sign language o body language sila nag-uusap kung minsan at nakukuha naman daw ng binata ang ibig niyang sabihin.

“At saka tinuturan din naman po niya akong mang-English because it’s an international language,” nakatawang sagot ni Maymay na ikinatawa rin ng lahat.

At dahil sa magkaibang-magkaiba sina Maymay at Edward, may mga basher na ang una.

“Ang masasabi ko lang talaga, hangga’t nakakapit ako sa Diyos, only God can judge me po. Kaya wala akong pakialam sa kanila (bashers),” katwiran ng dalaga.

Mga kaibigan at supporters ang nagpapalakas ng loob ni Maymay.

“Siguro para sa akin po, masaya lang po ako na may napapasaya akong tao. Masarap pala ‘yung feeling ng kasiyahang naidulot po nu’n ay galing sa akin.

“Masaya lang po ako na may sumusuporta. Kung nagdedepensa sila sa mga bashing po, gusto ko lang magpasalamat sa kanila nang bongga dahil habang tumatagal ako dito sa industriya, mas lalo silang napamahal sa puso ko.

“At mas lalo kong ‘binibigay ang best ko para maibalik ang blessings na binibigay nila sa akin,” katwiran ni Maymay.

Mapapanood na sa mga sinehan ang Loving in Tandem sa Setyembre 13 mula sa direksiyon ni Giselle Andres handog ng Star Cinema.