Ni: Mario B. Casayuran

Hiniling ng matataas na opisyal ng militar kahapon na ibasura ang kumpirmasyon ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Rafael Vitriolo Mariano kasunod ng panununog at paninira ng 150 ektaryang sakahan at mga bodega sa isang plantasyon ng saging at pinya sa Tagum City.

Ang resolusyon ng mga lider ng militar – sina Department of National Defense Delfin Lorenzana at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Eduardo Año – ay ibinunyag ni Senate Majority Leader Vicente C. Sotto III bilang chairman ng Agrarian Reform Committee ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA).

Isa si Davao City Mayor Sara Duterte, anak ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa mga mayor na tutol sa kumpirmasyon ni Mariano at lumagda sa resolusyon. May apat pang gobernador ang lumagda rin, ayon kay Sotto.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Nang tanungin ng mga mamamahayag kaugnay sa resolusyong ito matapos muling itakda ni Sotto ang pagdining para ngayong araw dahil sa paliwanag ng ilang indibidwal at grupo ba tumutol sa kanyang kumpirmasyon, sinabi ni Mariano na hindi niya nakita ang petsa ng resolusyon nina Lorenzana at Año.

Dumistansiya rin siya sa mga makakaliwang grupo na sumira sa ari-arian ng Lapandai Fruits Corporation, dating Global Fruits Corporation.

Inakusahan ng resolusyon si Mariano na may alam sa panunog ng Lapandai property, anang Sotto.

Sa pagdinig ng komite, sinabi ni Sotto na itinanggi ni Mariano ang intelligence report na sangkot siya sa pagpaplano ng panununog sa 546-ektaryang lupain ng Lapandai.