Ni Nitz Miralles

TIYAK na lalong gaganahang mag-taping ang cast ng Impostora dahil last Monday, ipinaalam na ng GMA Network management sa cast na extended ang hit afternoon soap hanggang January 2018. Kapag na-maintain pa ang mataas nitong rating hanggang January, baka ma-extend uli.

RAFAEL AT KRIS copy

Biniro namin si Kris Bernal na dahil sa magandang balita, napakain siya ng marami sa cake na inihain nang dumalaw kami sa taping. Nag-pilot noong July 3, ang Impostora at aabot ng six months ang airing kung sa January pa ito magtatapos.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“Ang sarap ng feeling na malaman ang magandang balita na extended kami. Pagkatapos ng lahat ng hirap, ang kapalit ay good feedback and good ratings at ito nga, extended kami, worth it lahat ang hirap. Minsan nga sa sobrang pagod ko, naiiyak na lang ako at may time na nadadala ko ang Rosette character ko kahit tapos na ang taping. Iritable ako sa mga tao, ‘buti na lang naiintindihan nila ako,” sabi ni Kris.

Huwag mag-alala ang mga sumusubaybay sa Impostora dahil nangako si Direk Albert Langitan at writers na walang paulit-ulit na eksena silang mapapanood gaya ng inerereklamo sa ibang show na na-i-extend.

Nangako rin si Direk Albert na mas magiging maingat sa execution ng mga eksena para hindi maulit ang pagpapatawag sa kanya at sa production manager ng Impostora sa MTRCB. Tinawag sila sa MTRCB dahil sa love scene nina Kris at Rafael Rosell na sobra yatang passionate para sa afternoon time slot.

“Nang malaman ko na ipinatawag sina Direk Albert at Kuya Jojo (Aleta) sa MTRCB, kinabahan ako siyempre, pero okay naman ang dialogue. Naisip ko tuloy, puwede pala akong gumawa ng love scene na believable. Kahit sabi ng iba, para akong bata dahil maliit ako. Ayoko nang ma-MTRCB,” pagtatapos ni Kris.