Ni: Light A. Nolasco
DILASAG, Aurora - Dead on the spot ang isang miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) matapos pagbabarilin ng kanyang kasamahan sa Sitio Kasaysayan ng Barangay Diagyan sa Dilasag, Aurora, nitong Sabado.
Kinilala ng Dilasag Police ang biktimang si Jun-Jun Badua, 30, ng Bgy. Dimaseset, habang ang suspek ay si Freddie Aquino, 30, ng Bgy. Diagyan.
Ayon kay Dilasag Police chief Supt. Zaridel Jastiva, nagkapikunan umano ang dalawa habang nag-iinuman sa bahay nina Healman Noveno at Barick Galuran, hanggang sa kinuha ni Aquino ang kanyang .357 caliber at pinaputukan sa ulo at sa ibabang bahagi ng balikat ang biktima.
Nakapiit na ngayon ang suspek sa himpilan ng Dilasag Police.