Ni: Nora Calderon

MAGANDA rin pala ang boses ni Kim Domingo, she can carry a tune, sabi nga.

Isa si Kim sa first batch ng celebrity contestants ng All-Star Videoke ng GMA-7 na napanood nitong nakaraang Linggo.

Kasama ni Kim sina Mikael Daez, Barbie Forteza, Ken Chan, Jak Roberto at Megan Young. Naging judges ‘laglagers’ naman sina Alden Richards at Jerald Napoles.

Trending

VIRAL: Babaeng bagong panganak, hindi naisipang bilhan ng pagkain ng asawa: 'Sorry lab, sa akin lang to'

KIM AT MARIAN copy

May butas sa stage at doon nalalaglag ang contestants, pero ipinakita naman ng show kung saan sila nalalaglag, sa isang mababang butas na puno ng foam kaya hindi naman sila nasasaktan.

Hindi kailangang maganda ang boses ng contestants pero sina Kim at Barbie ang huling naglaban at si Kim ang pinalad na umabot sa jackpot round at nakuha ang maraming blanks ng song kaya siya ang naging unang videoke champion at nanalo ng P98,500.

Nasa kanya kung lalaban pa siya sa susunod na apat na linggo at puwedeng manalo ng brand new car at more cash prize.

Matatag si Kim, lumaban siya at binawasan ng kalahati ang cash prize na natanggap niya.

Kaya bukod sa pagiging mainstay sa Bubble Gang puwedeng mapanood si Kim ng apat na linggo pa sa All Star Videoke kung patutoy siyang magiging videoke champion sa mga susunod na linggo.

Samantala, excited pa rin si Kim ngayong nagsimula na siyang mag-taping ng Super Ma’am na first time niyang pakikipagtrabaho kay Marian Rivera. Masayang-masaya siya dahil bukod sa paborito at tinitingala niya si Marian bilang mahusay na artista at ulirang maybahay ni Dingdong Dantes at ina ni Baby Letizia, personal choice siya ni Marian para gumanap bilang younger sister nito sa serye.

Okey daw sa kanya kahit may pagkakontrabida ang role niya, ang mahalaga ay makakasama niya si Marian at iba pang mahuhusay na artista ng GMA Network na first time din niyang makakatrabaho, tulad ni Ms. Helen Gamboa na nanay nila ni Marian. Bagay na bagay naman silang mag-iina dahil pare-parehong magaganda. Ang Super Ma’am mula sa direksiyon ni LA Madridejos ay malapit nang mapanood sa primetime block ng GMA 7.