Ni: PNA

INIHAYAG ng isang eksperto na kailangan ng mga local government unit (LGU) na mamuhunan sa anaerobic digesters – mga tangke kung saan nagagawa ng mga microorganism na ang mga biodegradable na basura ay maging kapaki-pakinabang na material – upang mapabuti ang solid waste management (SWM) sa buong Pilipinas.

“Long-term SWM investments will help turn biodegradables into organic fertilizer and biofuel while protecting the environment and reducing the volume of trash for disposal,” lahad ni Eligio Ildefonso, executive director ng National Solid Waste Management Commission (NSWMC) Secretariat.

Binanggit ni Ildefonso na kailangang kailangan ang anaerobic digester investments dahil sa patuloy na pagdami ng mga basura, at dahil na rin sa pagsupil ng gobyerno sa mga ilegal na tapunan ng basura at sa permanenteng pagsasara ng Payatas sanitary landfill, kung saan itinatapon ng Quezon City ang mga basura nito.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Ayon sa mga eksperto, ang anaerobic digestion ay isang biological na proseso na natural na nangyayari kapag sinisira ng microorganisms ang organic na bagay sa kapaligiran na mayroong kakaunti o walang oxygen.

Ang datos mula sa Environmental Management Bureau (EMB) ay indikasyon na kailangan na ng proseso ng anaerobic digestion sa mga nabubulok na basura, sa ilang lokal na pamahalaan sa Metro Manila.

Ipinakita sa datos ang laki ng porsiyento ng mga nabubulok na basura sa mga lungsod ng Caloocan (48.6%), Mandaluyong (46%), Marikina (46.54 %), Pasay (41.20 %), Quezon City (54%), Taguig (52.37%), at Valenzuela (46%), pati na rin sa munisipalidad ng Pateros (57.46%).

Mataas din ang bahagdan ng mga nabubulok na basura sa Las Piñas (27.73%); Makati (36%); Parañaque (28.36%); at Pasig (38%).

“LGUs can reduce the volume of waste for disposal by turning biodegradables into organic fertilizer and biofuel through anaerobic digestion using proper facilities,” saad ni Ildefonso, at idinagdag na aabot sa isang milyong piso ang bawat isa sa nakahandang basic anaerobic digesters.

Upang malikom ang mga kinakailangan sa pagpopondo, aniya, maaaring magbuo ng grupo ang ilang barangay at mangalap ng pondo upang makabili ng anaerobic digester na kanilang magagamit.

“That will be more practical and cost-effective in the long run than transporting all waste to sanitary landfills,” aniya.

Una nang inihayag ng Department of Environment and Natural Resources na plano nitong ipasara ang 500 ilegal na tapunan ng basura sa buong bansa bago sumapit ang 2022.