Ni NORA CALDERON
MINAHAL agad ng Pinoy fans ang bida at katambal ni Heart Evangelista sa first Filipino-Korean collaboration romantic-comedy series na My Korean Jagiya, si Alexander Lee.
Napakalambing daw kasi ni Xander sa fans at ang daling lapitan at hingan ng photo op or selfie lalo na kapag nasa mall show ang grupo na once a week na ginagawa ng production sa Metro Manila at sa mga probinsiya. Kaya naman suportado nila si Xander at ang buong cast ng rom-com gabi-gabi sa GMA-7 (napapanood after ng Mulawin vs Ravena.
Napapanood din na mahusay umarte si Xander as Jun Ho kaya may request sa kanya ang netizens na mahilig sa K-Drama na huwag siyang umalis ng Pilipinas.
Napamahal na rin naman at gustung-gusto ni Xander ang hospitality ng mga Pinoy. Gustung-gusto rin niya ang mga pagkain natin, especially ang paborito niyang halo-halo na ilang beses na niyang ipinopost sa Instagram. Kapag nasa taping, lagi siyang may halo-halo sa tent.
Tiyak na matutuwa ang fans ni Xander sa sagot niya sa request nilang huwag umalis ng Pilipinas.
“I’m here to stay,” sabi ni Xander. “As long as the audience wants me. So, if the show goes on well, I’m open to stay longer. Thank you for your support!”
Mukha ngang magtatagal pa sa bansa si Xander dahil balitang dito na tatapusin ang istorya ng My Korean Jagiya at kung magiging successful nga ito, malamang daw na bumalik sina Direk Mark Reyes at Heart Evangelista kasama ang buong cast para doon i-shoot ang finale ng love story nina Gia (Heart) at Jun Ho (Xander).
Kasama nina Heart at Xander sa My Korean Jagiya sina Ricky Davao, Janice de Belen, Iya Villania, Edgar Allan Guzman, Valeen Montenegro, Divine Ausina, Jinri Park at Korean actors na sina David Kim, Michelle Oh at Jerry Lee.