Ni: Leandro Alborote

CONCEPCION, Tarlac - Patay ang isang lalaki at sugatan ang 12 iba pa matapos na kumalas ang gulong ng sinasakyan nilang van at naaksidente sa SCTEX Road ng Barangay Santiago, Concepcion, Tarlac, kahapon ng umaga.

Kinilala ni PO2 Marvin Stanley Castro ang namatay na si Leypol Hipolito, nasa hustong gulang, ng San Jose Del Monte, Bulacan na nagtamo ng grabeng sugat sa katawan.

Sugatan naman sina Anthony Lepore, Milagros Mangarin, Regina Embalsado, Gene Adrian Embalsado, Philip Carlo Hombre, Grace Ann Embalsado, Neil Ian Leonil, Neil Mangarin, Gian Frederick Hombre, Lance Oneil Hipolito, Hayley Cassadre Hombre at Leonilo Hipolito, driver, pawang taga-San Jose Del Monte, Bulacan.

Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City

Ayon sa pulisya, nangyari ang aksidente dakong 3:20 ng umaga habang binabagtas ni Leonilo Hipolito, 41, sakay sa L-300 ang SCTEX Road, nang biglang sumabog ang gulong sa kaliwang likuran ng sasakyan.