Ni: Marivic Awitan

PANGUNGUNAHAN ng collegiate stars na sina Cherry Rondina at Bernadeth Pons ang kampanya ng Pilipinas sa darating na 29th Southeast Asian Beach Volleyball Championships na gaganapin sa Setyembre 28-30 sa Palawan Beach, Sentosa sa Singapore.

Gagabayan ni coach Emil Lontoc, dalawang pares ng mga manlalaro ang kakatawan sa bansa sa torneo na binubuo rin nina Patty Orendain at Fiola Ceballos.

Ang dalawang pares ng beach volleyball squads ang nagkaharap noong nakaraang PSL beach volleyball tournament finals kung saan nagkampeon sina Rondina at Pons.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sasabak bilang mga underdogs at unseeded ang dalawang koponan sa 15-pair womens division kung saan paborito ang Indonesia at Thailand.

Makakasama naman ng dalawang koponan ang nag-iisang men’s squad na binubuo nina Anthony Arbasto ng University of Santo Tomas at Jude Garcia ng Far Eastern University.

Sa pagsasanib puwersa ng Asian Volleyball Confederation at ng Volleyball Association of Singapore, ang event ay magbibigay sa mga Southeast Asian spikers na makalaro sa high level competition matapos na hindi masama sa nakaraang 29th SEA Games sa Kuala Lumpur ang beach volleyball.