Ni: Leandro Alborote

VICTORIA, Tarlac – Patay ang dalawang umano’y carnapper na sinasabing tumangay sa isang Honda motorcycle sa Felomina Subdivision, Tarlac City matapos makaengkuwentro ng pulisya sa Victoria-Tarlac Road sa Barangay Bulo sa bayan ng Victoria, nitong Linggo.

Kinilala ni PO3 Sony Abalos kay Tarlac Police Provincial Office (TPPO) director Senior Supt. Ritche Medardo Posadas ang napatay na sina Leo Anthony Arellano, 34, may asawa, ng 2nd Street, Bgy. Balete, at isang hindi pa natutukoy ang pangalan, na isinugod sa ospital.

Dakong 11:00 ng gabi, nakatanggap ng report ang Provincial Intelligence Branch (PIB) at TPPO na tinangay ang motorsiklo ni Divina Tirao, 29, ng 114 Lourdes, Talaga, mula sa Felomina Subdivision sa Bgy. San Rafael.

Probinsya

Sabunutan ng ilang LGBTQIA+ members at isang babae, sumiklab sa kasagsagan ng Simbang Gabi

Naabutan ng pulisya ang mga suspek sakay sa tinangay na motorsiklo, at nagpaputok umano ang mga ito hanggang sa nagkapalitan ng putok at namatay ang dalawa.