ni Mary Ann Santiago

Hindi magpapatinag ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at patuloy na pupunahin ang pamahalaan kung may makikita silang maling ginagawa nito.

Sa kanyang homiliya nang pangunahan ang isang banal na misa sa St. John the Evangelist Metropolitan Cathedral, hinimok ni CBCP president at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga kapwa niya obispo, mga pari, madre at iba pang Katoliko na huwag matakot at ipagpatuloy ang pagbabahagi ng salita ng Diyos sa kabila ng pagtuligsa ng mga “trolls” at “hostile” ang trato ng pamahalaan sa kanila.

Ayon kay Villegas, dapat ay patuloy na naririnig ang boses ng Simbahang Katoliko kahit na marami ang galit dito.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Binigyang-diin ni Villegas na hindi natatapos ang misyon ng mga Katoliko sa loob ng simbahan.

Aniya, ang tunay na misyon ng bawat Katoliko ay sa mga kalye, sa mga tindahan at maging sa loob ng mga munisipyo.

Matatandaang isa ang Simbahan sa mga bokal sa pagtuligsa sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga, dahil na rin sa tumataas na bilang ng kaso ng umano’y extrajudicial at summary killings.