NI: Joseph Jubelag

ALABEL, Sarangani — Nagbigay ng P100 milyon ang Department Agriculture (DA) sa pamahalaan ng Sarangani para sa Special Area for Agricultural Development Program.

Ayon kay Sarangani Gov. Steve Solon, inilabas na ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang pondo na gagamitin upang palakihin ang ani ng maliliit na magsasaka at pagtatatag ng post-harvest facilities sa probinsiya.

Mapupunta ang pondo sa pagpapalawak ng diversified upland rice farming development at sa open pollinated white-corn variety production at livestock projects, ayon kay Solon.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Iprinayoridad ng DA ang paglabas ng pondo para sa Sarangani, ang lalawigan kung saan unang inilunsad ang SAAD program.

Ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan ang isang resolution na nagbibigay kapangyarihan kay Solon na pumirma ng memorandum of agreement sa the DA regional office upang mapabiis ang paglunsad ng programa.