SENTRO ng labanan ang lakas ng kani-kanilang loyal government unit sa pagpalo ng Metropolitan Basketball Tournament (MBT) sa pangangasiwa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Metro Manila Council, (MMC).

Kabuuang 14 teams ang sasabak na hinati sa dalawang grupo, North division at South division, simula sa Setyembre 10.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Mangunguna sa North ang Marikina, Manila, Caloocan, Navotas, Quezon City, San Juan at Valenzuela.

Nasa South ang Makati, Mandaluyong, Las Piñas, MMDA, Parañaque, Pateros at Taguig.

“Hindi naman maiiwasan yung upset, pero naglagay kami ng age bracket para maging balanse ang labanan,”saad ni MBT Tournament Director Bonnie Tan.

“Sa ginawa natin maaari ng makasabay ang mga small cities sa mga malalakas na teams.”

May 15 players bawat teams sa event na inisponsoran ng San Miguel Corporation, World Balance at Higer Bus, dalawang players na may edad 23-24, dalawang players din sa 21-22 at ang natitirang 11 ay 16 hanggang 20 taong gulang.

Samantala, bukod sa Makati Coliseum ang ibang venues na pagdadausan ng laban ay ang Hagonoy Gym sa Taguig, San Andres Complex, Manila, Navotas Sports Complex at Parañaque Sports Complex.