NI: PNA

BINIGYANG-diin ang kahalagahan ng papel ng kabataan laban sa pagpapakalat ng pekeng balita at maling impormasyon.

Ito ang sinabi ni Philippine Information Agency Director General Harold Clavite sa isang talakayan nitong Sabado.

Sa forum na “TAYO Talks: The Youth Project” sa Maynila, hinimok ni Clavite ang kabataan na maging mapanuri at

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

responsable sa paggamit ng social media, na pangunahin ding ginagamit sa karaniwan na ngayong pagpapakalat ng mga pekeng balita at mali-maling impormasyon.

Tiniyak din sa publiko ng pinuno ng Philippine Information Agency na dodoblehin ng ahensiya ang pagsisikap nito sa pagbibigay ng proteksiyon sa mga komunidad mula sa hindi wastong impormasyon na kadalasang nagdudulot ng kalituhan at kasiraan.

“In a world of confusion, especially in the Internet and social media, we need to step up as an organization to make sure our people are not misled by false information, fake news,” sabi ni Clavite.

“It’s an important time for all of us to wake up together and talk about these matters head-on. We should not allow our gadgets and social media to take over lives and our communities... Maging responsible sa social media,” dagdag pa niya.

Sa kanyang panig, hinikayat naman ni National Youth Commission (NYC) Chairperson Aiza Seguerra ang kabataan na pagtuunan ang “being kind” sa halip na “being right all the time”, kabilang na sa social media.

“There’s so much division now, alam nating lahat ‘yan. Pero naniniwala ako, and I hope kayo ‘yun, ang mga kabataan natin... I hope that more than focusing on being right all the time, we focus on being kind to one another and inspire one another,” sabi ni Seguerra.

May temang “The Youth Project: Seek. Inspire. Empower”, tampok sa TAYO Talks: Metro Manila ang talakayan na nagbibigay-diin sa apat na piniling kuwento ng mga alumna ng TAYO upang magbigay ng inspirasyon sa kabataang Pilipino sa Metro Manila.

Layunin ng event na magbahagi ng pinakaakmang mga aktibidad para sa kabataan, magsulong ng mga aktibong organisasyon ng kabataan na nakabase sa mga eskuwelahan at komunidad sa Metro Manila, at magkaloob ng oportunidad para sa mentorship at pagtutulung-tulungan.