NEW YORK (AP) — Naisalba ni Madison Keys ang matikas na kampanya ni Elena Vesnina tungo sa pahirapang, 2-6, 6-4, 6-1, panalo para makausad sa US Open’s fourth round sa ikatlong sunod na season.
Natapos ang laro ganap na 1:45 ng umaga ng Linggo, ikalawang pinakaatrasadong pagtatapos sa isang laro. Ang dating record ay 1:48 am. Sa laro nina Keys at Alison Riske sa first round sa nakalipas na taon.
Nagsimula ang laban ng 15th-seeded na si Keys, isang American, at 17th-seeded na si Vesnina, Russian, bago ang hatinggabi matapos ang mahahabang laro na sinundan.
Bunsod ng panalo ni Keys. Limang United States women player ang nasa fourth round, kasama sina No. 9 Venus Williams, No. 20 CoCo Vandeweghe, Sloane Stephens at Jennifer Brady.
Sunod na makakaharap ni Keys si No. 4 Elina Svitolina ng Ukraine.