Ni: Leonel M. Abasola
Iginiit ni Senador Nancy Binay na dapat isama ang mga Indigenous Peoples (IP’s) sa Bangsamoro Basic Law (BBL) na binabalangkas ngayon.
Aniya, suportado niya ang panawagan para sa proteksiyon ng mga lumad at pagsasama sa mga ito sa BBL.
“It is necessary for the voices of our non-Moro IPs in Mindanao to be heard in the ongoing peace talks as they will also be directly affected by this law,” ani Binay.
Aniya, mahalaga ang Mindanao Indigenous People’s Legislative Assembly (MIPLA) na ginawa noong nakaraang buwan para isulong ang interes ng mga ito.
Tiwala rin umano si Binay na mabibigyang-pansin ito sa binabalangkas na batas.
“I really hope that we legislators will make use of the suggestions of the MIPLA so that we may better serve IPs.
Tulad na lamang ng suporta na kanilang kinakailangan sa pagbibigay edukasyon sa mga batang lumad, may pag-aalinlangan ang ating mga kapatid na lumad na hindi naririnig ang kanilang boses sa usapin ng BBL gayong sila mismo ang naiipit sa kaguluhan sa Mindanao at napipilitang lisanin ang kanilang mga tahanan. Sana ay mapawi ng magiging diskusyon sa MIPLA ang kanilang pangamba,” dagdag ni Binay.