TEXAS (AP) – Magbabalik sa Alamodome sa San Antonio si dating four-division world champion Nonito Donaire para sumabak sa undercard ng duwelo nina Yunier Dorticos (21-0, 20 KOs) ng Cuba at Dmitry Kudryashov (21-1, 21 KOs) ng Russia.

Ang 12-round main event ay bahagi ng World Boxing Super Series cruiserweight tournament na nakatakda sa Setyembre 23.

Huling lumaban Donaire (37-4, 24 KOs) sa Alamodome noong 2012 kung saan nakuha niya ang split decision na panalo kontra dating world champion Wilfredo Vasquez ng Puerto Rico.

Hindi pa tiyak ang makakalaban ni Donaire na magtatangkang buhayin ang career matapos bumitaw sa Top Rank promotions ni Bob Arum.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sa kasalukuyan, mabango ang mga pangalan nina WBA featherweight title holder Abner Mares, Leo Santa Cruz, IBF featherweight champion Lee Selby at Carl Frampton.

Sa edad na 34, sumapi si Donaire sa Ringstar Sports ni Richard Schaefer. Kasalukuyan siyang nagsasanay sa Tokyo, Japan.

“It’s unfortunate for Frampton’s fight to be cancelled,” sambit ni Donaire. “But it makes greater opportunities for better fights. Frampton and I can match up anytime. I wanted to fight (Scott) Quigg before but Frampton stepped in and beat him,” aniya.

Bukod kay Pacquiao, si Donaire ang tinitingalang fighter ng Pilipinas, higit nang pagwagihan niya ang IBF flyweight title sa impresibong one-punch, fifth-round knockout kontra sa noo’y walang talong si Vic Darchinyan.

Ngunit, sa nakalipas na taon, tumamlay ang career ni Donaire higit nang mabitiwan ang WBO superbantamweight title kay Jesse Magdaleno sa undercard ng Manny Pacquiao-Jessie Vargas WBO welterweight title fight, may dalawang taon na ang nakalilipas.