GINA AT PHILLIP
GINA AT PHILLIP

Ni NORA CALDERON

SA September 7 aalis si Direk Adolf Alix, Jr. para dumalo ng 42nd Toronto International Film Festival (TIFF) sa Canada. Entry niya ang movie niyang Dark Is The Night (Madilim Ang Gabi).

Based sa trailer na napapanood na sa YouTube, napapanahon ang tema ng movie tampok sina Ms. Gina Alajar at Phillip Salvador. Naririnig sa trailer ang boses ni Pangulong Rodrigo Duterte, kaya alam mo nang tungkol ito sa pagsugpo niya sa illegal drugs.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ayon kay TIFFprogrammer Steve Gravestock: “Adolfo Alix, Jr., one of the Philippines’ most adventurous independent filmmakers, returns to the festival with an immediate, relevant work, Dark is the Night. Central to the film’s success is Alix’s courage. He interrogates the ease with which some of us consign criminals to the realm of the inhuman.”

Ayon kay Direk Adolf nang makausap namin, kasama niyang pupunta ng TIFF si Gina na inimbitahan din ng festival para sa kanilang world premiere. Lone Philippine entry ang Madilim Ang Gabi sa full length category. Lahat ng entry sa festival ay maglalaban-laban sa People’s Choice Awards.

Pero bago siya umalis for Toronto, tatapusin muna ni Direk Adolf ang second day taping ng Alaala, ang documentary ng GMA News & Public Affairs para sa 45th anniversary ng martial law. Gagampanan ni Alden Richards sa nasabing dokyu ang role ni Boni Ilagan na dumanas ng paghihirap habang nakakulong nang panahong iyon. Si Rocco Nacino naman ang gaganap bilang ang writer na si Pete Lacaba na nakasama ni Boni sa kulungan. Kasama rin si Ms. Gina Alajar at si Bianca Umali sa dokyu na mapapanood sa September 17, sa SNBO ng GMA-7.