Ni LYKA MANALO

PINANINGNING ng mga ilaw ang umaabot sa 200 Chinese paintings na sa exhibit sa SM City Lipa sa Batangas.

Inilunsad nitong nakaraang Hunyo ang exhibit ng Chinese Painting on Lanterns na nagtampok ng mga obra ng 40 Chinese artists mula sa pamilya ng Chan Lim at kanilang mga estudyante.

IMG_3098

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ang Chan Lim Family of Artists ay halos kalahating taon nang aktibo sa larangan ng pagpipinta. Nagsimulang magpinta noong 1956 si Jose Lim na ibinahagi niya sa kanyang asawa at mga anak at nagsimula naman ang kanilang family exhibits noong 1995.

Ayon sa anak ni Lim na si Alex, ang tagapagsalita ng pamilya, ngayong 2017 ay art exhibit ang napili nilang paraan upang ipagdiwang ang ika-80 taong kaarawan ng kanilang ama.

“The main purpose of the exhibit is not to sell. We’re not commercial artists, we are here to promote the culture and to share what we know,” paliwanag ni Alex.

Si Alex at ang mga kapatid niyang sina Felix, Rolex at Jolex ay pawang engineer at may matataas na posisyon sa multinational companies. Sumusuporta rin ang kanilang pamilya sa charitable organizations partikular sa may kaugnayan sa pangangalaga ng kalikasan.

Sa ngayon, tatlong henerasyon na ng pamilya Chan Lim ang patuloy na nagpipinta sa pamamagitan ng Chinese brush painting sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.

“The difference between Chinese painting and Filipino or Western painting is the brush, it’s how you hold the brush,” ayon kay Lim. “Ang Chinese painting ‘pag nagkamali, wala na, as in tapon. Ang Western painting, p’wede pa patungan ng oil.”

Bagamat karamihan sa mga obra ng matandang Lim ay sa canvas, mayroon din siyang mga ipininta sa porcelain plates, Asian lanterns at pamaypay.

Dahil sa pagmamahal ng pamilya sa pagpipinta, nagsasagawa ang Chan Lim ng art classes, workshops, seminars at on-the-spot painting demonstrations. Nagkaroon na rin ng experiments ang young generations ng pamilya na gumagamit ng modern digital techniques na inilalapat sa Chinese art.

Nakapagsagawa na ang pamilya Chan Lim ng exhibits sa North Edsa, Cebu, Sta. Rosa City, Laguna, East Ortigas, Davao City, General Santos City.

“Having an exhibit is not about selling, it’s about sharing, it’s passion,” ani Lim.

Para sa kanilang pamilya, ang lahat ng obra ay may kuwento at kahulugan.

Hinihikayat nila ang kahit na sino na magkaroon ng interes sa pagpipinta at nagbibigay sila ng oportunidad sa mga gustong sumubok. Sa katunayan, sa media launching ng kanilang exhibit, tinuruan ng basic sa Chineses painting ng Chan Lim artists maging ang mga mamamahayag.

“It’s good to have talent, it’s better to have interest, but it’s the best to have talent, interest and opportunity,” aniya pa.

[gallery ids="263599,263597,263596,263595,263593,263594"]