NAKALUSOT ang Colegio de San Lorenzo laban sa Our Lady of Fatima University, 84-78, sa overtime upang mapanatili ang malinis na kartada sa 2017 NAASCU men’s basketball tournament sa RTU gym sa Mandaluyong.
Sumandal ang Blue Griffins kina Jonjon Gabriel at Jan Formento upang biguin ang Phoenix at itala ang ikaapat na dikit na panalo sa Group B.
Si Gabriel ay nagpakitang gilas sa kanyang game-highs na 31 puntos, 16 rebounds at limang blocks para sa CdSL, na naglaro na wala ang African import na si Soulemane Chabi Yo sa malaking bahagi ng laro.
Ang lay-up din ni Gabriel sa huling 19 segundo ang nagdala sa laro sa overtime para sa CdSL, na nag-kampeon din sa MBL Open laban sa FEU-NRMF nung Hunyo
Si Formento ay nag-ambag ng 11 puntos kabilang ang back-to-back triples sa simula ng extra period.
“Buo ang loob ng mga players, khit naging mahigpitan ang labanan,” pahayag ni CdSL coach Boni Garcia.
Si Chabi Yo, nagtamo ng sprain ankle sa second quarter ay nagtapos lamang na tatlong puntos at apat rebounds para sa CdSL, na sinusuportahan din ng Ironcon Builders.
Sa pangalawang laro, pinabagsak ng defending champion St. Clare College-Caloocan ang Lyceum of Subic Bay, 88-73, para sa 4-1 record.
Ang Saints nina NAASCU president Dr. Jay Adalem at coach Jino Manansala ay bumangon mula maagang pagkabaon at bumawi sa tulong nina Aris Dionisio at Rafael Rebugio.
Sina Dionisio at Rebugio ay kapwa may tig-14 puntos para sa Saints, na nanalo sa ikaapat na sunod na pagkakataon matapos mabigo sa unang laro sa kamay ng Philippine Christian University.
Iskor:
First game
CdSL (84) -- Gabriel 31, Callano 15, Sablan 14, Formento 11, Roxas 6, Baldevia 4, Yo 3, Borja 0, De la Cruz 0, Laman 0, Vargas 0, Alvarado, 0.
OLFU (78) -- Pedrosa 12, Cabrera 10, Datu 9, Diosa 9, Albano 7, Lumbera 6, Sarona 6, Jimenez 6, Bargola 6, Gozum 4, Essomba, 3.
Quarterscores: 14-13, 31-25, 52-44, 66-all, 84-78.
Second game
St. Clare (88) -- Dionisio 14, Rebugio 14, Pare 10, Palencia 10, Puspus 8, Hallare 8, De Mesa 7, Mendoza 6, Fuentes 5, Rubio 2, Catura, 0.
LSB (73) -- Pelaez 14, Saludo 13, Fomera 10, Djilla 9, Castillo 9, Del Rosario 7, Jacaban 3, Santos 2, Paje 2, Alcantsra 2, Sunguad 2, San Luis 0, Macatlang 0, David 0.
Quarterscores: 10-23, 40-42, 68-55, 88-73.
Third game
AMA (80) -- Bragais 23, Celso 16, Graham 11, Salonga 10, Labreque 7, Macaranas 7, Magpantay 6, Calna, 0.
RTU (67) -- Tabi 18, Bangeles 18, Marks 9, Tilos 8, Flores 5, Estoce 4, Reyes 3, Monghit 2, Liquinan o, Senires 0, Redondo, 0.
Quarterscores: 15-15, 42-33, 60-46, 80-47.