NI: Fer Taboy
Ginahasa at pinatay ng isang bakla ang 14-anyos na binatilyo sa Barangay Tinguian, Balasan, Iloilo, nitong Sabado ng gabi.
Sa ulat ng Balasan Municipal Police Station (BMPS), natagpuang hubo’t hubad ang bangkay ng biktima sa Bgy. Tinguian.
Ayon kay Ricardo delos Reyes, lolo ng biktima, nagpaalam sa kanya ang apo na magtutungo sa sayawan, kasama ang mga barkada nito, dahil fiesta sa nabanggit na lugar.
Inakbayan umano ito ng isang bakla, na nagngangalang “Smile”, na nagtatrabaho sa parlor sa nasabi ring barangay.
Matapos mapansing nawawala na ang biktima, hinanap ito ng kanyang mga barkada hanggang sa natagpuan ang bangkay.
Ayon sa awtoridad, posibleng pinagsamantalahan ang biktima nang makitang may sugat ito sa puwet at tadtad din ng pasa sa katawan.
Nakuha mula sa pinangyarihan ang itim na palda na pinaniniwalaang pag-aari ng suspek na pinaghahanap na ng pulisya.