May bagong pinuno sa Customs at nangako siya na tatapusin ang corruption at patataasin revenue collections ng bureau. Pinalitan ni Commissioner Isidro Lapeña, dating hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), si Commissioner Nicanor Faeldon nitong nakaraang Miyerkules, at nagsabing magpapatupad siya ng “one-strike” policy sa Customs gaya ng kayang ginawa sa PDEA “to boost internal cleansing.”
Sinabi ni Commissioner Faeldon sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kamakailan na nang umupo siya sa Customs, agad niyang nalaman ang “tara” system pero ang mga taong katrabaho niya ay pinagdudahan niya na nakikinabang nito, “so how can I designate them to conduct the investigation?”
Kaya nagpatuloy ang sistema at dahil dito, nakalusot sa Customs ang 600 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.4 bilyon nitong Mayo at natunton kalaunan sa dalawang warehouse na ni-raid sa Valenzuela City. Ang malaking katanungan: Gaano pang karaming shabu ang maaaring nakalusot na sa Customs at hindi na nahuli? Ilang kilos ng shabu kung ganoon ang pumasok sa drug market sa buong bansa?
Ang usapin sa droga ang gumising sa publiko para kondenahin ang corruption sa pamamagitan ng” tara” system sa Customs. Pero bago pa man sinimulan ang isinasagawang kampanya laban sa droga, ang Bureau of Customs ay dati nang may nakasusulasok na reputasyon.
Ang “tara” collection, ay hiwalay sa legal na ibinabayad sa Customs. Ito ay ibinabayad ng importers upang mapabilis ang paglabas ng kanilang mga kargamento pantalan. Masyadong lumalaki ang gastos kapag naaantala ang kalakal; may karagdagang mga bayarin na ipinapatong ang shipping at warehouse companies. Kaya nagbabayad ng “tara” ang importers at ang kanilang upang makaiwasa sa magastos na pagkaantala.
Ang bagong pamunuan ng Customs sa pangunguna ni Commissioner Lapeña ay kinakailangang humanap ng mga paraan upang mapabilis ang paglabas ng mga cargo galing sa mga pier, at maaari nilang pag-aralan ang mabilisang operasyon ng mas malalaking ports sa United States at sa iba pang mga bansa. Naisasagawa nila ito sa pamamagitan ng maayos na sistema ng inspection at auditing ng cargo mula panlamanh sa panggagalingang pantalan. Sa mas maayos na pamamahala sa mga dumarating na cargo, ang importers ay hindi na kinakailangan pang magbigay ng karagdagang bayad para mapabilis ang proseso ng paglabas ng kabilang mga kalakal sa Customs.
Mayroon nang ganyang proseso sa customs para sa lahat ng containerized cargo na patungo sa mga daungan ng Pilipinas pero naantala ang pagpapatupad niyo noong 2014 sanhi ng mga isyu sa operasyon sa daungan ng Manila. Maaari itong balikan ng bagong pamunuan ni Commissioner Lapeña at ipatupad na sa wakas upang makatulong sa plano niyang pagsugpo ng corruption sa bureau.
Ito ay isang napakahirap na tungkulin. Marami nang naunang commissioners sa kanya ang nabigo. Ngunit sa suporta ni Pangulong Duterte at sa tulong ng pagmamatyag ng mga mata ng buong bansa sa kanyang bawat kilos, maaari siyang magtagumpay sa pagpapabilis ng operasyon sa mga pantalan, sa pagharang sa lahat ng mga drogang idinadaan sa Customs, at sa paglilinis sa imahe ng bureau, na itinuturing ngayon bilang isa sa pinaka-corrupt na ahensiya ng pamahalaan.