COX‘S BAZAR (Reuters) – Mahigit 2,600 bahay ang sinunog sa mga lugar ng Rohingya sa hilagang kanluran ng Myanmar nitong nakaraang linggo, sinabi ng gobyerno. Isa ito sa pinakamadugong karahasan na kinasasadlakan ng Muslim minority sa loob ng maraming dekada.
Sinisi ng mga opisyal ng Myanmar ang Arakan Rohingya Salvation Army (ARSA) sa panununog ng kabahayan. Inako ng grupo ang magkakaugnay na pag-atake sa security posts noong nakaraang linggo na nagbunsod ng mga sagupaan at malakawang kontra opensiba ng militar.
Ngunit sinabi ng Rohingya na tumatakas patungong Bangladesh na layunin ng kampaya ng arson at pamamaslang ng Myanmar army na puwersahan silang palayasin.
“A total of 2,625 houses from Kotankauk, Myinlut and Kyikanpyin villages and two wards in Maungtaw were burned down by the ARSA extremist terrorists,” iniulat ng Global New Light ng Myanmar. Ang grupo ay idineklarang terrorist organization ng pamahalaaan.
Ngunit sinabi ng Human Rights Watch, pinag-aralan ang satellite imagery at salaysay ng mga Rohingya na tumatakas patungong Bangladesh, na sinasadya ng Myanmar security forces ang mga sunog.