Ni ERNEST HERNANDEZ
MATAPOS ang matagumpay na junior tilt ng Metropolitan Basketball Tournament (MBT), nakipagtambalan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Metro Manila Council (MMC) para sa ilalargang seniors division sa Setyembre 10 sa Makati Coliseum.
Tampok ang mga player na may edad 16-24, kakatawanin nila ang kani-kanilang lungsod.
Ang MBT ay bahagi ng programa ng MMDA, sa pamamagitan ng Metro Manila Sports Fest (MMSF) bilang sentrong programa para sa kampanya ng Pangulong Rodrigo Duterte na malabanan ang droga sa bansa.
“Aside from keeping our teenagers away from drugs, the MBT tournament was successful in opening doors to basketball players to gain attention and get scholarships,” pahayag ni GlobalPort Batang Pier team manager Boni Tan, MMDA Sports Consultant at MBT Tournament Director.