Ni: Alexandria Dennise San Juan

Dahil sa pagtatanggol sa kanyang kapatid, nagtamo ng mga saksak sa katawan ang isang lalaki mula sa sarili niyang pinsan sa Quezon City, nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Arnel Magdaraog, 38, na patuloy na nagpapagaling sa ospital.

Ayon sa mga tauhan ng Batasan Police Station (PS-9), si Magdaraog at kanyang kapatid at pinsan na si Lito Galicia ay truck helper at nakatira sa iisang bahay sa Acorda Street, Lupang Pangako, Barangay Payatas.

‘Kaway-kaway mga trentahin at kwarentahin!’ Sikat na Pinoy chocolate, magbabalik na!

Kinumpronta umano ni Magdaraog si Galicia sa pagsasabing kinuha ng kanyang kapatid ang pera ng huli, dakong 8:00 ng gabi. Nagkapalitan ng maaanghang na salita ang dalawa.

Nabuwisit si Galicia at binunot ang patalim sa kanyang bulsa at makailang beses sinaksak ang biktima.

Agad isinugod sa ospital si Magdaraog habang mabilis na tumakas si Galicia.

Kasalukuyang tinutugis ang suspek.