Ni: Reggee Bonoan

IN good spirit si Mother Lily Monteverde at panay ang biro sa reporters sa blowout party ng pelikulang Woke Up Like This sa District 8 Gastro Pub sa Greenhills.

Vhong at Lovi copy copy

“Because of that, I’m not a millionaire or billionaire anymore, I’m a trillionaire na,” panay ang tawang sabi ni Mother Lily kapag binabati na naka-P60 million na sa box office ang kanyang latest movie.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Ang saya-saya ng buong cast sa party sa pangunguna ni Vhong Navarro. Lahat siya nagpapasalamat sa mga nanood. Wala ang leading lady niyang si Lovi Poe, nagbabakasyon sa Europe. Nakisayaw uli si Mother Lily sa tugtuging Macarena at hindi naman nagpahuli ang anak niyang si Ms. Roselle Monteverde-Teo sa awiting Footloose.

Masayang-masaya sina Mother Lily at anak niyang si Ms. Roselle.

Lagi silang nagpapatawag ng gathering kapag kumikita ang pelikula nila. Basta kumita, kahit hindi pa umabot ng isandaang milyong piso, tiyak na may thanksgiving party na sila kasama ang entertainment media na itinuturing nilang malaki ang naitutulong sa bawat proyekto nila.

Kaya 101% na mahal ng entertainment media sina Mother Lily at Roselle, dahil nga marunong silang mag-share ng blessings. Talagang isa-isang iniikot ni Mother ang lahat ng lamesa ng press para makipagtsikahan at magpa-picture.

“Nakakatuwa si Mother, ang daming pelikulang naka-line up for showing na. Sana lahat kumita para masaya ang lahat,” kuwentuhan ng mga katoto.

Ito ang pangarap ng lahat sa entertainment industry, magtuluy-tuloy na ang sigla ng movie industry at madagdagan pa ang mga nagpo-produce ng pelikula.

Dumating kasi ang panahon na tatlong movie outfit na lang ang natitirang local film producer, ang Star Cinema, Regal Entertainment at Regal Films .

Nawala na ang Octoarts Films, Cine Suwerte Films, Vision Films, Reflection Films, Harvest Films International, Urban Films, Lea Productions, Tagalog Ilang-Ilang Productions, FLT Films, RVQ Productions, Seiko Films, MZet Productions, Golden Lion Films, M-7, GMA Films, FPJ Productions at marami pang iba na sunud-sunod ang mga ipinalalabas na pelikula noon.

Kaya maraming artista at manggagawa sa pelikula na nawalan ng trabaho, dahil hindi naman sila kayang i-absorb lahat mga project ng tatlong movie outfit. Mabuti na nga lang, nauso ang mga teleserye at naging advocacy na yata ni Coco Martin na mabigyan pa rin ng tsansa ang mga beteranong action stars at character actors sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Hmmm, kailan naman kaya magsasanib para sa malaking project ang Regal at CCM Creative Productions ni Coco?

Sa mainit na pagtangkilik ng millennials sa mga bagong direktor at indie films, lumalakas ang loob ng maraming bagonh film producers para magprodyus, tulad ng Spring Films, N2 Productions, TBA or Tuko/Buchi Boy at Artikulo Uno Film Productions, IdeaFirst Company, Quantum Films at iba pang maliliit na producers.

At ang maganda, halos lahat sila ay tumitingala kay Mother Lily, ang pinakamatagal nang producer at maraming natulungan at pinasikat na artista.