Ni: Light A. Nolasco

TALAVERA, Nueva Ecija - Bumulagta ang isang sinasabing drug trader matapos umano itong manlaban sa mga pulis sa inilatag na anti-illegal drug operation sa Barangay Esguerra sa bayan ng Talavera sa Nueva Ecija, nitong Huwebes ng madaling araw.

Pinangunahan ni Supt. Joe Neil E. Rojo, OIC ng Talavera Police, ang operasyon dakong 2:20 ng umaga sa nasabing lugar.

Kinilala ni Supt. Rojo ang napatay na si Glenn Reyes y Gonzales, alyas “Cobra”, ng Bgy. Poblacion Sur, na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at kaagad na namatay.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Ayon kay Supt. Rojo, nakatunog umano ang suspek na pulis ang binentahan nito ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu sa halagang P500, kaya pinaputukan umano nito ang mga awtoridad na gumanti rin ng putok.