Ni NITZ MIRALLES
KINILIG ang fans nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa nabasang palitan ng mensahe ng dalawa sa social media.
Nagsimula ‘yun nang pasalamatan ni Sharon si Gabby sa ipinadala nitong durian.
Sabi ni Sharon: “ @concepciongabby Thank you for sending the durian through Ara. A pleasant surprise and much appreciated. Hope all’s well. God bless!”
Nag-react si KC Concepcion at ang sabi, “A H E M whut ees deees?
Sinagot ni Sharon si KC ng, “@itskckoncepcion oh syat ap panganay! I have no idea why but, well, made me smile. But wasn’t able to eat na cos they were kinda going bad already when I got them. Probably came a long way. Ask him why you asking me nga ba?!!! He heb no idead tayming holawd.”
May pahabol pa siyang, “@itskcconcepcion @concepciongabby And I still stand by the fact that you and I are his cutest family. Hahahaha joke! Or not? Hah!”
May followers si Sharon na nag-akalang dahil sa gesture na ‘yun ni Gabby ay parang ipinahiwatig na ready na itong magtambal uli sila sa pelikula. Tinanong ng mga ito si Sharon na sumagot naman.
“Thank you to all of you, Gabby’s and my fans. Sorry there is still no word of a possible movie project for us two, but we will always love and appreciate your love and support for us. Sana whether our project are of us two together or not, we can count on you. I am sure Gab feels the same way. So I’ll tag him @concepciongabby.”
Heto ang sagot ni Gabby na nagpakakilig sa Sharon-Gabby fans: “@reallysharoncuneta stay well. Right fruits for better health, better life. Glad you got it. Enjoy.”
Sa pelikulang gagawin ni Sharon, may post siya tungkol dito at ang sabi: “Matutulog na ako ng almost one month bago mag start ng shooting ng movie namin. Kasi showing na kami sa NOVEMBER (?!!!!) . do feeling ko hindi kami makakatulog ng almost two months. Ngee! Di bale masaya naman ang script at mga kasama sa trabaho so am excited na.”
Sa Star Cinema gagawa ng pelikula ni Sharon, may leading man na, pero ayaw pang sabihin kung sino. Pati ibang mga makakasama, hindi pa ipinaaalam sa publiko. Si Cathy Garcia Molina ang director ng pelikula.