Ni: Johnny Dayang

HINDI tulad ng mga nakaraang nangasiwa sa departamento ng agrikultura, si Sec. Manny Piñol, dating mamamahayag na mahilig sa pagsasaka, ay nakilala sa pagtugon sa mga isyu na makaaapekto sa seguridad ng pagkain ng bansa.

Sa unang linggo niya bilang pinuno ng ahensiya, ipinag-utos niya ang libreng tubig sa mga irigasyon ng taniman, isang desisyon na magbubunga sa mas malaking kita sa bawat ektarya ng taniman ng palay at mas mababang gastusin para sa mga magsasaka.

At upang masiguro ang pagbabalik-sigla sa sektor ng pangingisda, pinangunahan niya ang samahan ng mga mangingisda sa baybayin sa pamimigay ng mga kagamitan na makatutulong upang mapaunlad ang kanilang pamumuhay.

Night Owl

Kailangan mong bumoto

Sa mga liblib na lugar kung saan ang libangan ay paghahanda sa lupain upang magsaka, namahagi ng mga traktora at post-harvets facilities ang nasabing departamento at magbubukas ng mga farm-to-market roads na dati’y usap-usapan lamang.

Ang pinakamalaking hamon na kinaharap ni Piñol ay ang ulat tungkol sa pagkalat ng bird flu sa bansa. Hindi lamang ito nakagugulat, bagkus ay nakababahala dahil tinamaan nito ang industriya na isa sa pinakamahalagang putahe sa lamesa ng bansa.

Nasa isang milyong itik at manok ang kinailangang katayin upang maiwas ang mga manukan sa nasabing sakit at mailigtas ang industriya sa tuluyang pagkaguho, isang desisyon na kinailangang gawin ni Sec. Piñol upang masiguro ang kaligtasan ng publiko at upang umiwas na rin sa sisi ng publiko na siya’y hindi naging epektibo sa nasabing posisyon dahil hindi inaksiyunan ang isang delikadong sakit.

Upang mapigilan din ang lumalaking kawalan sa parte ng mga negosyante, siniguro rin niya na maipapamahagi sa tamang oras ang subsidiya, na mula sa gobyerno, sa mga sektor ng manukan at magpapatuloy ang suportang pinansiyal kung magkakaroon pa ng karagdagang pondo para rito. Maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay... alam ang pangangailangan ng industriya ng manukan upang mapanatili at hindi ito labis na maapektuhan.

Ang mga inisyatibo na ito ay nagpapakita lamang ng mga pagsisikap ng nasabing departamento upang masiguro ang seguridad ng pagkain na mahalaga sa produksiyon at pagpapanatili ng mga imbak na pagkain na magagamit sa panahon ng kalamidad.

Hindi sapat na umaasa lamang tayo sa seguridad ng pagkain; dapat ding masiguro rin ang ating kakayahan na mapakain ang buong bansa nang hindi umaasa sa mga inaangkat na produkto, at pag-unlad ng bansa sa pamamagitan ng mataas na kita mula sa paglalabas ng ating mga produktong pang-agrikultura.

Ang lahat ng pagtitiyaga ni Sec. Piñol, na hindi napapansin, ay dapat lamang na kilalanin.