Ni: Marivic Awitan
KABUUANG 12 women’s volleyball teams na naghahanda para sa kani -kanilang school leagues ang sasabak sa unang Premier Volleyball League (PVL) Collegiate Conference na magsisimula bukas Setyembre 2 sa Filoil Flying V Center sa San Juan.
Pamumunuan ng reigning NCAA titlist Arellano University at dating UAAP champion Ateneo ang mga kalahok sa women’s division ay kinabibilangan din ng National University na pamumunuan ng ilang mga manlalaro ng Open Conference champion BaliPure.
Ang 12 koponang kalahok ay hinati sa dalawang grupo at ang top 4 sa magkabilang panig matapos ang single round robin eliminations ay maghaharap sa best-of-three crossover semifinal kung saan ang magwawagi ay maghaharap para sa best-of-three finals.
Ang Lady Eagles at Lady Bulldogs ay magkasama sa Group A na kinabibilangan din ng San Sebastian College, Lyceum of the Philippines University , Far Easter University at Jose Rizal University.
Magkakasama naman sa Group B ang Arellano, University of the Philippines, Technological Institute of the Philippines, San Beda College, Adamson University at St. Benilde.
Mayroon namang walong koponan ang maglalaban-laban sa men’s division sa pamumuno ng reigning UAAP titlist Ateneo.
Ito ang unang pagkakataon na lalahok sa liga na inorganisa ng Sports Vision ang Lyceum matapos nilang pumasok sa NCAA. Huli silang lumahok noong 2011.