MAS prioridad ni CJ Perez na mabigyan ng kampeonato ang Lyceum of the Philippines University, higit sa anumang indibidwal na parangal tulad ng MVP sa NCAA Season 93 men’s basketball.
Ngunit, sa tinatakbo ng kampanya ng Pirates, malaki ang posibilidad na kapwa niya makamit ang dalawang importanteng kaganapan sa collegiate career.
Nangunguna si Perez, planong umakyat sa pro league ngayong taon, sa statistical points matapos ang first round ng elimination kung saan nangunguna ang Lyceum tangan ang malinis na 9-0 karta.
Naitala ni Perez ang average 18.6 puntos para makasosyo ang dalawang karibal sa scoring department, habang ikalawa siya sa steals na may 1.6 averaged bukod pa sa 3.6 rebounds at 3.2 assists.
Mahigpit niyang karibal ang magkasangga na sina Robert Bolick at Javee Mocon ng San Beda.
Nangunguna si Bolick sa assists na may average na 4.7, habang matikas sa 13.6 points at 4.7 boards, habang si while Mocon ay may averages na 12 puntos, 9.9 caroms, at 3.6 assists.
Sa kabila ng numero, mas pinagtutuunan nang pansin ni Perez na mabigyan ng titulo ang Pirates.
“I’m thinking more of helping the team win a championship,” sambit ni Perez. “If I win the MVP, that would be just a bonus.”