Ni: Marivic Awitan

PINALAWIG ng Philippine Basketball Association (PBA) ang palugit para sa mga Fil-foreign players na gustong lumahok sa 2017 Rookie Draft sa Oktubre 29.

Ayon kay Rickie Santos, PBA deputy commissioner for basketball operations, ang mga Fil-foreign aspirants ay mayrroong hanggang Setyembre 4 para magsumite ng kanilang aplikasyon at mga requirements sa league headquarters sa Libis, Quezon City.

Nauna nang naitakda ng PBA Commissioner’s Office na Setyembre 1 ang deadline para sa mga Filipino-foreign applicants, ngunit nagdesisyon silang magkaroon ng extension dahil sa holiday.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Para sa mga local-born aspirants, mayroon silang hanggang Oktubre 12, 2017 para mag -apply.

Matapos ilabas ang preliminary list ng mga Filipino-foreign applicants, magkakaroon ng isang buwan upang kuwestiyunin ang eligibility ng isang aplikante.

Lahat naman ng mga aplikante ay kinakailangang lumahok sa PBA Draft Combine sa Oktubre 23-25 bago ianunsiyo ang final list ng mga kandidato sa Draft sa Oktubre 27.

Nakatakda ang Rookie Draft sa Oktubre 29 sa Robinsons Place Manila sa Ermita.