Ni: Genalyn D. Kabiling

Posibleng maharap sa mas mabibigat na parusa ang mga taong sangkot sa treason, sedition, rebellion at iba pang krimen sa Revised Penal Code sa ilalim ng bagong batas na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Binago ng Republic Act No. 10951, pinirmahan ng Pangulo nitong Agosto 29, ang mga parusa sa ilang krimen upang sumalamin sa kasalukuyang mga kondisyon.

Sa ilalim ng RA 10951, treason ay may parusang reclusion perpetua hanggang kamatayan o multang hindi lalagpas sa P4 milyon, mula sa dating P20,000. Ang reclusion perpetua ay nangangahulugan ng 20 hanggang 40 taon sa kulungan.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Ang parusa para sa sedition ay prisión mayor at multang hindi lalagpas sa P2M, mula P10,000. Ang prisión mayor ay katumbas ng anim hanggang 12 taong pagkakakulong.

Ang sinumang magkasala ng conspiracy para magsagawa ng kudeta, rebelyon, insurrection ay paparusahan ng prisión mayor at multang aabot sa P1M, mula sa dating P8,000.

Binago rin ang pinakamataas na multa para sa direct assault sa P200,000 mula P1,000; maltreatment of prisoners sa P100,000 mula P500; unlawful arrest sa P100,000 mula P500; falsification at paggamit ng falsified documents sa P1M mula P5,000.

Ang multa para sa malversation of public funds ay mula prison correccional hanggang reclusion perpetua. Ang pagnanakaw ay may parusang arresto mayor hanggang prisión mayor depende sa halaga ng ninakaw. Ang Arresto mayor ay pagkakakulong ng isa hanggang anim na buwan.

Ang pinakamataas na parusa sa swindling ay 20-taong pagkakakulong. Sa libel ay prisión correctional o multang mula P40,000 hanggang P1.2M. Ang slander ay arresto mayor hanggang prison correccional. Sa prostitution ay arresto menor hanggang prisión correctional o multang hindi lalagpas sa P20,000; alarms and scandals ay arresto mayor o multang hindi lalagpas sa P40,000; sa abortion na isinagawa ng mga doktor o midwife ay arresto mayor at multang hindi lalagpas sa P100,000.