Ni: Charina Clarisse L. Echaluce
Pumuwesto ang Puerto Princesa Subterranean River National Park sa ika-30 sa listahan ng “50 Works of Art” ng Cable News Network (CNN) Travel.
“Nominated as one of the New 7 Wonders of Nature, the Puerto Princesa Subterranean River runs for 8.2 kilometers underground and boasts limestone karst formations, stalactites and stalagmites,” saad ni CNN Travel editor Bija Knowles sa kanyang listahan.
Ikinalugod ng Department of Tourism (DOT) ang pagkilala, sinabi na ang Palawan ay tunay na biniyayaan ng maraming natural wonders.
“We welcome these citations for Puerto Princesa Subterranean River, which is just one of Palawan’s stunning natural sceneries,” wika ni Tourism Secretary Wanda Corazon Teo.
Ipinaalala rin ni Teo sa publiko na ang Palawan ay itinanghal na “World’s Best Island” sa dalawang magkakasunod na taon ng Travel + Leisure magazine dahil sa breath-taking attractions nito gaya ng Coron at El Nido island resorts.
Kaugnay nito, inimbitahan ng DOT chief ang mga biyahero na galugarin ang Palawan para masilayan ang iba pang natatanging tourist attractions nito.
“We invite the world to see the other sights in the paradise that is Palawan,” paanyaya ng tourism secretary.