Ni Genalyn D. Kabiling

Nanawagan si Pangulong Duterte sa mga Pilipino na maging “catalysts of unity and harmony” upang mapagwagian ang mga banta ng pagkakawatak-watak at karahasan at upang sa wakas ay matamo ang kapayapaan sa bansa.

Binigkas ng Pangulo ang apela para sa pagkakabuklod ng bansa sa kanyang pakikiisa sa Muslim community na ginugunita ang Eid’l Adha ngayong araw.

“With the adversities we face as a nation, let us bring forth the spirit of solidarity in our shared hope of attaining genuine and lasting peace. May this occasion invigorate you to remain steadfast in our task of ensuring triumph against elements that perpetuate discord and violence,” sabi niya sa kanyang mensahe.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“Together, let us become catalyst of unity and harmony in our respective communities as we firmly strive for the realization of our collective aspirations of our nation,” sabi ni Duterte.

Idineklara ng pamahalaan ang Setyembre 1 bilang regular holiday sa paggunita ng Eid’l Adha, o ang pista ng pagsasakripisyo ng Muslim. Ginugunita nito ang pagpayag ng propetang si Ibrahim upang isakripisyo ang kanyang anak bilang pagsunod sa kagustuhan ng Diyos.

Ipagdiriwang ang okasyong ito ng mga Muslim sa gitna ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan upang masupil ang rebelyon na inilunsad ng Maute Group sa Marawi City mahigit tatlong buwan na ang nakararaan. Daan-daang buhay na ang nasawi at libu-libong pamilya ang nawalan ng tahanan at nagsilikas dahil sa labanan.