Ni: Roy C. Mabasa
Para kay United Nations Special Rapporteur on extrajudicial, summary or arbitrary executions Agnes Callamard ang isang official visit na walang paggalang sa mga biktima, sa batas at sa due process ay hindi katanggap-tanggap.
“An official visit is not a vehicle for entertainment, theatrics or politicking,” banat ni Callamard kahapon.
Ito ang reaksiyon ng UN Special Rapporteur sa mga hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumisita siya sa Pilipinas at imbestigahan ang digma kontra droga ng administrasyon nito.
“Go here and see the situation. Do not ever give me that kind of s***. This is the Republic of the Philippines, not a French territory,” wika ni Pangulong Duterte sa mga mamamahayag nitong linggo.
Bago ang hamon, binira ni Duterte si Callamard, isang French national, matapos nitong ilarawan ang pagpatay ng mga pulis sa 17-anyos na si Kian Loyd Delos Santos na simbolo ng malawakan at government-led, human rights crisis sa Pilipinas.