Ni: Mina Navarro
Nagbitiw sa puwesto si Bureau of Customs (BOC) Deputy Commissioner Ariel Nepomuceno upang bigyan ng pagkakataon na bumuo ng sariling management team ang bagong talagang komisyuner na si Isidro Lapeña.
Si Nepomuceno ay pinangalanan ni Senador Panfilo Lacson na kabilang sa mga tumatanggap ng suhol mula sa mga tiwaling shippers.
Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Lapeña bilang kapalit ng nagbitiw na si BOC Commissioner Nicanor Faeldon kaugnay sa kontrobersiya ng P6.4 bilyong shabu na nakalusot sa ahensiya.