Ni: Marivic Awitan

Laro Ngayon

(Filoil Flying V Centre)

2 n.h. -- NCAA All-Star Side Events

Kauna-unahang Olympics gold medal, ipinasusubasta sa nasa halagang <b>₱31M</b>

4 n.h. -- NCAA All-Star Game

MAKAPAGHATID ng kasiyahan sa mga NCAA fans ang nais ni Team Heroes coach Topex Robinson sa idaraos na NCAA All-Star Game ngayong hapon sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan City.

“It will be a honor to represent the Heroes team. It’s an experience we will take with us,” pahayag ni Robinson na makakasama ang tatlo nyang mga players na sina CJ Perez, Mike Nzeusseu at MJ Ayaay sa Team Heroes.

Makakatunggali ng Heroes squad kung saan kabilang din ang Arellano University, Emilio Aguinaldo College, Jose Rizal University at Mapua, ang Team Saints na kinabibilangan ng San Beda, San Sebastian, Letran, University of Perpetual Help System Dalta ay College of Saint Benilde, ganap na alas -4 ng hapon.

Sa kampo naman ng Saints na gagabayan ni Red Lions coach Boyet Fernandez, nagkaroon naman sila ng maayos na ensayo kahapon para sa laro.

“I’m happy that they came and I really appreciate their efforts. The All-Star for me is for the fans and especially for the students of the NCAA member schools,” wika ni Fernandez.

Mamumuno para sa kanyang koponan ang mga players niya sa San Beda na sina Robert Bolick, Javee Mocon at Davon Potts.

Samantala, uumpisahan ang All-Star side events ganap na alas -2 ng hapon.

Ipagtatanggol ni San Beda gunner AC Soberano ang 3-Point Shootout crown, habang magkakaroon naman ng bagong Slam Dunk champion dahil injured ang reigning champion na si St. Benilde slotman Yankie Haruna.

Aasa naman ang Mapua kay JP Nieles para ipagtanggol ang Skills Challenge crown, habang didipensahan ng Jose Rizal University ang Shooting Stars throne.