Ni: Reuters Health

Napag-alaman sa bagong pag-aaral na ang mga kabataang umiinom ng alak sa murang edad ay mas mataas ang posibilidad na makaranas ng maaga ring unang pakikipagtalik kaysa sa kabataang hindi umiinom.

Bagamat ang pattern ay magkapareho sa genders, ang epekto ay mas kapansin-pansin sa mga kabataang babae.

alcohol copy

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

“Adolescents who engage in early sex have higher risks for sexually transmitted infections or unplanned pregnancies,” lahad ng nangungunang may-akda ng pag-aaral na si Kelly Ann Doran ng Indiana University sa Bloomington sa Reuters Health nang kapanayamin sa pamamagitan ng telepono. “Although the U.S. has seen a drop in pregnancy rates, we still have one of the highest in the Western industrialized world. It’s a big issue, and it’s important to find the risk factors that lead to risky sex.”

Sinuri ni Doran at ng kanyang mga kasamahan ang survey data na isinagawa sa 4,079 kalalakihan at 4,059 kababaihan na dumalo sa National Longitudinal Study of Youth 1997. Nagsimula ang pagkalap ng impormasyon noong ang mga partisipante ay 12 taong gulang hanggang 16 taong gulang pa lamang at ipinagpatuloy hanggang sa sila ay tumuntong sa edad 25 hanggang 31.

Ang kalalakihan at kababaihan na unang nakipag-inuman sa ika-15 kaarawan, ang average na edad para sa unang pakikipagtalik ay 16 taong gulang sa parehong kasarian, saad ng mga may-akda sa Journal of Adolescent Health.

Ang mga kabataang nagsimulang uminom sa edad na 14 pababa ay makakaranas ng mas maagang karanasan sa pakikipagtalik.

Ang kababaihang nagsimulang uminom sa edad na 13 pababa, ay apat na beses na mataas ang posibilidad ng maagang pagnanasa sa pakikipagtalik.

“The association is strong for both males and females,” ani Doran. “It still holds (regardless of) socioeconomic status or poor parental monitoring, which could mean we see a unique risk with early drinking.”

“With research, we sometimes think about all of these different risks as separate and have separate programs for alcohol use or teen pregnancy, but many of these behaviors are interconnected,” lahad ni Dr. Arielle Deutsch ng Sanford Research sa Sioux Falls, South Dakota.

“We have to really think about all of these behaviors and what adolescents may be going through during this time in their lives,” aniya sa Reuters Health.

“Impairment from alcohol increases the likelihood of being victimized or victimizing other people,” aniya. “We’d like to do more research to see if there is any difference for voluntary or involuntary sex as well.”

“When teens talk about things like drinking, sex, hanging out with their friends, and partying, it’s all interconnected, especially with parenting approaches,” saad naman ni Deutsch. “We should be talking to teens about how to make good choices overall and have the experiences they want in life.”