SULIT na sulit ang pagdiriwang ng mga Kapusong Dabawenyo ng Kadayawan Festival ngayon taon dahil si Dingdong Dantes mismo ang nanguna sa mga bigating artistang nakisaya sa kanila.

DINGDONG copy

Sakay ng Kapuso float ang Alyas Robin Hood lead actor sa ginanap na Pamulak sa Kadayawan o Kadayawan Float Parade noong August 20, kasama ang kanyang leading ladies sa serye na sina Andrea Torres at Solenn Heussaff.

Kinahapunan, nagtungo sina Dingdong, Andrea, at Solenn sa SM City Davao para sa isang Kapuso Mall Show. Kasama nilang nagpakilig sa mga nanood sa kanila ang co-stars nilang sina Dave Bornea at Lindsay de Vera.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Malalakas na hiyawan din ang sumalubong sa cast ng bagong primetime series na My Korean Jagiya noong August 18.

Pinangunahan ng Philippine TV’s Sweetheart na si Heart Evangelista ang Kapuso Mall Show sa SM City Davao. Mainit din ang pagtanggap ng mga Dabawenyo sa Korean actor na si Alexander Lee, ang leading man ni Heart sa serye. Bago pa sumampa sa stage si Alexander, double kilig treat na ang ipinadama ng co-stars niyang sina Edgar Allan Guzman at Myke Salomon.

Ang bagong hosts ng All-Star Videoke na sina Solenn Heussaff at Betong Sumaya naman, nagpatikim ng kantahan at katatawanang dapat abangan sa pagbabalik ng hit musical game show. Game na game ang mga Dabawenyo sa pagkanta at paghula ng lyrics kasama sina Solenn at Betong.

Noong August 17 naman, ang cast ng highest rating daytime drama na Ika-6 Na Utos ang naki-bonding sa kanilang loyal fans sa Kapuso Mall Show sa Gaisano Mall Davao. Ipinakita ng mga Dabawenyo ang suporta nila sa programa sa mainit na pagtanggap sa mga bidang sina Sunshine Dizon, Ryza Cenon, Mike Tan, at Gabby Concepcion.

Sinimulan ng Mulawin vs Ravena ang pakikiisa ng Kapuso Network sa Kadayawan Festival ngayong taon sa pamamagitan ng Kapuso Mall Show sa Gaisano Mall Toril kasama sina Miguel Tanfelix at Derrick Monasterio noong August 12.