Ni: Reuters Health

Ang mga babaeng may mataas na concentrations ng karaniwang flame retardants sa kanilang ihi ay maaaring mahirapang mabuntis at maituloy ito hanggang sa pagsilang, ayon sa mga bagong pag-aaral.

Ang mga kemikal – kilala bilang PFRs, o organophosphate flame retardants – ay ginagamit sa paggawa ng mga kasuotan o upholstery fire-resistant at maaari ring matagpuan sa nail polish, yoga mats at car seats.

Para sa pag-aaral, binusisi ng mga mananaliksik ang datos ng 211 kababaihan na nagtungo sa isang fertility clinic sa Massachusetts upang suriin para sa vitro fertilization. Nakita sa lab tests ang mataas na antas ng urinary levels ng metabolites, o byproducts, ng tatlong flame retardants: diphenyl phosphate (DPHP), bis(1,3-dichloro-2-propyl) phosphate (BDCIPP) at isopropylphenyl phenyl phosphate (ip-PPP).

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Kumpara sa mga babaeng may pinakamababang antas ng dalawang kemikal na DPHP at ip-PPP sa kanilang ihi, ang mga babeng may pinakamataas na antas ay 10 porsiyentong mas malabo ang tsansa ng matagumpay na fertilization, 31 porsiyentnong mas malabo na kumapit ang bata para matuloy ang pagbubuntis, at 38 porsiyentong mas malabo na magsilang ng buhay na sanggol.

“These findings suggest that exposure to PFRs may be one of many risk factors for lower reproductive success,” sabi ng lead study author na si Courtney Carignan, na nagsagawa ng pananaliksik sa Harvard T.H. Chan School of Public Health sa Boston.

“They also add to the body of evidence indicating a need to reduce the use of these flame retardants and identify safer alternatives,” saad sa email ni Carignan, ngayon ay nasa Center for Research on Ingredient Safety sa Michigan State University sa East Lansing.

Ang mga flame retardant ay idinadagdag sa maraming produkto na hindi chemically bound, nangangahulugan na patuloy itong napapakawalan sa hangin at alikabok, ani Carignan.

“We all ingest a little bit of dust every day because small amounts easily stick to our hands,” dagdag ni Carignan.

“Couples wishing to reduce their exposure to flame retardants may benefit from washing their hands several times throughout the day, particularly before eating, as previous studies have shown that people who wash their hands more frequently have lower levels of these chemicals in their bodies.”

Dahil ito ang unang pag-aaral tungkol sa paksa, kailangan pang sundan ng marami pang pananaliksik upang makumpirma ang natuklasan, ngunit maaari pa rin itong magsilbing babala sa kababaihan, wika ni Ami Zota, environmental at occupational health researcher sa Milken Institute School of Public Health sa George Washington University.

“Women may be able to reduce their chemical exposures in the indoor environment by washing their hands frequently, especially prior to eating, as well as buying flame-retardant-free furniture,” payo ni Zota.