Ni: Mary Ann Santiago
Matapos ilunsad sa Binondo, sisimulan na rin ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang kanyang electric tricycle (E-trike) program sa Malate at mamamahagi ng 80 bagong unit ng sasakyan sa ikalawang grupo ng mga benipisyaryo sa susunod na linggo.
“As I have promised before, more indigent Manilenos, particularly those poor tricycle and ‘kuliglig’ drivers, will benefit from this E-trike program,” anang Estrada.