Ni: Marivic Awitan
LALARGA ang ika-48 edisyon ng nag -iisang tri-division athletics competition sa bansa para sa kababaihan -Womens National Collegiate Athletic Association (WNCAA) sa Sabado sa Philsports Arena.
Tatlong laro sa magkakaibang dibisyon ang tampok sa opening day na magsisimula sa 10:00 ng umaga sa pangunguna ng Season host St. Pedro Poveda College.
Unang magtatapat ang host school at ang St. Jude College sa juniors division ganap na 12:00 ng tanghali na susundan ng tapatan ng De La Salle Zobel at St. Paul College -Pasig sa midget division ganap na 2:00 ng hapon bago ang tampok na laro sa seniors level sa pagitan ng bagong miyembrong University of Makati at reigning titlist Centro Escolar University ganap na 4:00 ng hapon.
Sa kabila ng kanilang dominasyon sa kabuuang ng seniors competition partikular sa basketball sa nakalipas na mga taon, hindi naman natitinag sa mga karibl sa dominasyon ng CEU.
Ayon kay Philippine Women’s University athletics director Marielle Benitez, gaya ng ibang mga atleta, motivated din lahat ng mga athletes nila upang lumaban at manalo kaya handa sila sa pagharap sa mga kinatawan ng CEU.
Ayon naman kay WNCAA executive director Vivian P. Manila, dahil nalalapit na ang kanilang 50th year, inaasahang magiging pasabog ang kanilang selebrasyon, kaya naman ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na ito ng todo.
Para naman sa season host SPPC, sinabi ng kanilang pangulo na si Gng. Azucena Camaga na patuloy at ipinagmamalaki nilang maipapakita ng kanilang mga atleta sa WNCAA ang katangiang sumisimbolo sa tema ng pagdiriwang ngayong taon, ang “Audacia Sin Limites” o Courage without Limits.