Ni: Light A. Nolasco

TALAVERA, Nueva Ecija – Walang makitang pagkakakilanlan ang pulisya ng Talavera sa bangkay na natagpuang nakahandusay sa damuhang bahagi ng road dike sa Purok Daisy, Barangay San Na Munti, nitong Martes ng umaga.

Sa ulat ni Supt. Joe Neil E. Rojo, OIC ng Talavera Police, dakong 10:30 ng umaga nang matagpuan ng mga dumaraan sa nasabing road dike ang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki na nakagapos ang mga paa’t kamay at nakabalot ng packaging tape ang ulo.

Nakarekober ang Scene of the Crime Operations (SOCO) ng limang pakete ng hinihinalang shabu sa mismong katawan ng biktima.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Nakalagak ang labi ng biktima sa Timario Funeral Parlor sa Bgy. Bacal III.