NI: Francis T. Wakefield

Pitong katao ang napatay sa away sa pagitan ng isang angkan at ng mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Talipao, Sulu nitong Miyerkules ng tanghali.

Sinabi ni Army Col. Cirilito Sobejana, commander ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Joint Task Force Sulu, na sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng magkaaway na angkan ni Jul Hamidi, ng Barangay Upper Kamuntayan, Talipao, at ng hindi tukoy na bilang ng mga miyembro ng Abu Sayyaf, sa pangunguna ni Al Arod, anak ng ASG sub-leader na si Arod Wahing, sa Sitio Kan Hassan sa Bgy. Bud Bunga sa Talipao, bandang 12:45 ng tanghali.

Ayon kay Sobejana, napatay sina Jul Hamidi, Kaidal Sayyari, at isang Juddama, habang dalawa pa, kabilang si Hatib Jami ang nasugatan sa panig ni Hamidi.

Probinsya

Sabunutan ng ilang LGBTQIA+ members at isang babae, sumiklab sa kasagsagan ng Simbang Gabi

Apat na miyembro naman ng Abu Sayyaf ang napatay sa bakbakan, at tatlo sa kanila ang kinilalang sina Al Arod, isang Kiram, at isang Awa.