Ni: Department of Health

Aabot sa 100 katao ang nahawaan ng human immunodeficiency virus (HIV) noong Hunyo dahil sa transactional sex, ayon sa Department of Health (DoH).

Ayon sa huling report mula sa HIV/AIDS Registry of the Philippines (HARP), may kabuuang 91 katao ang napaulat na nagkaroon ng HIV sa bayad na pakikipagtalik.

“People who engage in transactional sex are those who report taht they pay for sex regularly accept payment for sex, or do both,” ayon sa DoH report.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

May kabuuang 55 kaso ang nagbayad para makipagtalik, 54 sa mga ito ay lalaki. Dalawampu’t apat na lalaki naman ang nagka-HIV nang magpabayad para makipagtalik.

May 12 iba pang nahawa sa virus dahil sa parehong uri ng transactional sex, at ang 11 sa kanila ay lalaki.

“Most were male, whose ages ranged from 16 to 54 years, while two were females both aged 25 years old,” ayon pa sa report.

Nasa 510 na ang kabuuang kaso ng HIV na nakuha sa bayad na pakikipagtalik sa unang anim na buwan lamang ng 2017.